Kabanata 36: Broken Sa bawat hakbang ng aking paa ay siyang lalong bumibilis ang t***k ng puso ko. Pupuntahan ko ngayon si Zak sa kanyang silid. Hindi ko yata kakayanin na makita siyang walang Malay at nakaratay lang sa higaan. "Ma'am pumasok na po kayo." Lumingon ako sa kanya at binigyan ko siya ng isang ngiti. "Salamat" sambit ko at tuluyan na akong pumasok. Nakita kong wala pa ring Malay si Zak kaya lumapit ako sa kanya. Hindi ko mapigilang mapaluha sa aking nakikita. "Z-Zak pls.. Gumising kana.." Napahagulgol ako, Miss na miss ko na siya at gusto ko nang sabihin sa kanya na buntis ako pero wala paring saysay dahil wala parin siyang Malay. Hinawakan ko ang kanyang kamay at pinagdarasal ko sa panginoon na gumising na siya. "Zak hindi kita iiwan. Dito lang ako kaya pls.. Sana gumisin