Kabanata 35

552 Words

KABANATA 35 Comatose Unti-unti niyang minulat ang kanyang mga mata, nasilaw siya sa ilaw kaya napapikit ulit siya at sa kanyang pagdilat ay nakita niyang puro puti ang nasa paligid niya at sa tingin niya ay nasa hospital siya. "T-Tubig..." naiiyak niyang sabi, may nag-abot sa kanya ng tubig at agad niya itong ininom. "Sa wakas nagising na po kayo, ilang araw na po kayong walang malay." napatingin siya sa lalaking nagsalita at nag-abot ng tubig sa kanya. "I-Ilang a-araw...?" "Limang Araw na po." nagulat siya sa sinabi nito. L-limang araw? parang kahapon lang nangyari yun. Napabalikwas siya ng maisip si Zak. "Nasaan si Zak? ligtas ba siya?" natataranta niyang sabi. Napaiwas ng tingin ang lalaki. Lumakas bigla ang t***k ng puso niya. "A-Ang sabi ko nasaan si Zak?" nauutal niyang sabi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD