KABANATA 34 Faint Gusto niyang itakip ang kanyang mga tenga dahil hindi niya kaya na marinig ang mga putok ng baril. parang may nawawalan ng buhay kapag may naririnig siyang putok ng baril. Tahimik lamang siyang umiiyak habang dinarasal sa panginoon na maging ligtas sana si Zak. "Naiinip kana ba dito Daine? Ang tagal naman kasi ni Zak eh." sabi ni Troy habang may ngiti sa labi. Baliw na yata itong tao na ito. Sinamaan niya ng tingin si Troy. "Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sayo Troy. I don't know what happen to you?" "Iba lang talaga ang pagkakakilala mo sa akin. ang dali mo kasing maniwala." natatawang sabi nito. "Bakit mo 'to ginagawa?" seryosong sabi niya. Alam niyang may rason ito kung bakit ginagawa Ito ni Troy. "Gusto ko lang naman makuha ang posisyon ni Zak at ito namang s