KASALUKUYAN AKONG NASA UNIBERSIDAD kasama si Jarah. Naka-tambay kami sa cafeteria at nagku-kwentuhan tungkol sa mga nangyari noong nakaraang araw. I told her about how Krypton and I happened, the magical feeling of that night when Krypton proposed to me. “Sabi ko na nga ba mahal ka talaga niya e. Pero buti nga sa Tonyo na iyon. Kabanas siya e, pabibo.” “Huwag ka namang magsalita ng ganyan. Naging mabuti rin naman sa atin si Tonyo e.” “Kahit na. Mukhang manyak iyon e. Oo nga pala, papayag kang magka-anak agad kayo? Nineteen ka pa lang. Atsaka hindi ka pa graduate.” “I’ll turn twenty next month, Jarah. Atsaka, dalawang buwan na lang naman ang pasok.” I suddenly smiled widely at the thought of being mother with K