HINDI AKO UMUWI SA CONDO NIYA. Tumuloy ako sa bahay nila Jarah at nagpasyang doon na lang muna magpalipas ng gabi. I didn’t really know the reason why Ana’s in his office but whatever it is, I don’t care. I want to teach Krypton a lesson. Ilang beses na niya akong sinubukang tawagan pero hindi ko sinasagot. Bahala siya sa buhay niya. May mga mensahe rin siya sa akin, sinasabi na pinaalis at pinagtabuyan na niya si Ana pero hindi ko sinasagot. “Naniniwala ka ba doon sa babaeng iyon?” mayamaya ay tanong ni Jarah. Kasalukuyan kaming nakahiga sa kama niya. “Hindi ‘no. Tuturuan ko lang ng leksiyon ang Krypton na ‘yan.” Akmang magsasalita na sana si Jarah pero may kumatok sa pintuan ng kwarto niya. “Mga anak, may mga bisita kayo.” Agad kaming nagkatinginan ni Jarah at kumunot ang noo. Tum