I SMILED WIDELY AS I SAW HER SMILED. Kung hindi ako nagkakamali ay anim na taon pa lang ako noon at kapapanganak pa lang ni Nanay Leni sa kanya. “P’wede po bang sa akin na lang siya?” inosenteng tanong ko. Nagkatinginan si Mama at Papa, ngumiti sila at tumingin kay Nanay Leni at kay Tatay Diego. “Do you want a baby sister, Krypton?” nakangiting tanong ni Papa. Ngumiti naman ako at umiling. “I want to marry her someday.” Hindi ko alam kung bakit nagtawanan sila sa isinagot ko. But I couldn’t care less; in fact, I stared at her angelic face and then again, smiled as I saw her innocently smiled. That time, I already knew that she’s the girl that I want to spend my whole life with. Days have turned fast. Tumatak sa isipan ko ang pangako ko sa sarili ko. Inalagaan ko siya. Akala ng mga t