NAKAUPO AKO SA MAY KUSINA habang si Nanay naman ay nagluluto nang makarinig kami ng katok mula sa pintuan. Out of nowhere, I smiled widely like a crazy-s**t. “Sandali lang!” nagmamadaling saad ko. Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo, tumakbo papunta sa may pintuan at binuksan ito sa pagaakalang si Krypton ang dumating. The smile suddenly fades away as I saw Tonyo, who is looking at me intently as if he wanted to say something. “Tonyo.” “Denise, p’wede ba tayong magusap?” Saglit akong nag-isip at tinitigan siya bago marahang tumango. “Sige, tuloy ka.” “Dito na lang tayo sa labas.” Naglakad na siya palayo kaya sumunod naman ako. Huminto siya sa labas ng gate at hinarap ako. “Denise, please give me a chance. Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan kung bakit pero sa tingin ko gust