KASALUKUYAN AKONG NAKAUPO sa may hapag habang pinapanuod si Krypton sa kusina na nagluluto. Balak sana namin na kumain sa labas pero ang sabi niya ay ipagluluto na lang niya ako sa condo niya. It’s fine with me, though, as long as I am with him. Krypton is not wearing any top aside from the apron. I suddenly smiled out of nowhere as I saw some sweat from his forehead running down his face. Tumayo ako at kinuha ang bimpo na nasa bag ko at agad na lumapit sa kanya. Medyo nagulat siya nang punasan ko ang noo niya na puno ng pawis pero agad din na napangiti. “Matagal pa ba ‘yan?” “Are you hungry?” tumango naman ako, “sandali na lang ito.” Imbes na sumagot ay niyakap ko siya mula sa likuran niya. Ngumiti naman siya at ipinagpatuloy ang pagluluto. “Sana kapag kasal na tayo hindi ka magbago