*** Cian *** Para pang nakalutang ang kanyang pakiramdam kahit nakaalis na si Zach. Simpleng halik lamang ang nangyari pero ang ngiti niya ay wagas. Tila nanumbalik ang pakiramdam niya sa pagiging teen ager dahil sa kilig na nanunuot sa kanyang kaibuturan. Pagpasok niya sa bahay ay nakaabang na ang kanyang mama na may naglalarong pilyang ngiti sa mga labi. “Nakita ko iyon. Kayo ba ay nagkabalikan na ni Zach, anak?” Bahagyang namula ang mukha niya sa napag-alamang nasaksihan pala ng kanyang ina ang halikan nilang dalawa ni Zach kanina. Sa mga kapitbahay pa siya nangangamba kanina pero sarili niyang ina lang pala ang mismong nakahuli sa kanila. “P-parag ganoon na nga po,” nauutal niyang saad. Bakit nga ba parang ang naging sagot niya gayung napagpasyahan naman na niya ang tanggapin u