Kasabay ng pagbagsak ng hawak niyang cell phone ay siya ring pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Pakiramdam niya’y nanlamig ang buo niyang katawan at tinakasan siya ng lakas pagkatapos mabasa ang mensahe ng pamamaalam ni Zach. Sapo ng palad ang sariling bibig na tumingala siya sa kisame upang pigilan ang nagbabadyang paghikbi. Ngunit kahit anong pagpipigil ang kanyang gawin ay nag-uunahan na sa pag-alpas ang mga luha niya. Nanghihinang napaupo siya sa sahig habang patuloy lamang sa lihim na pag-iyak. Ang bigat sa kanyang dibdib ay tila nagdudulot sa kan’ya ng hirap sa paghinga. Ito na yata ang pinakamasakit sa lahat, ang pinaasa at iniwan sa ere. Kung tutuusin ay hindi naman talaga masama ang naging pasya ni Zach, sadyang nasaktan lang talaga siya sa katotohanang tuluyan na siya n