Pinagsaluhan namin ang matamis na paghahalikan sa loob ng ilang minuto. Kung hindi pa kami kinapos ng hininga ay hindi maghihiwalay ang aming mga labi. Ang buong akala ko ay hanggang doon na lang ang magandang karanasan na iyon subalit hindi pa man pumatak ng limang segundo ay muli na naman niyang inabot ang aking labi at siniil ako ng halik. Walang pag-aalinlangan na tinugon ko ang kanyang halik. Hanggang sa unti-unting lumalim iyon, naging mapusok at mapaghanap. Maging ang kanyang mga kamay ay nagsimula na ring maging malikot. Unti-unti na akong nalulunod sa sensasyong dulot ng aming ginagawa lalo na nang maramdaman ko ang pagpasok ng isa niyang kamay sa suot kong damit at dahan-dahan iyong umakyat. Napaigtad ako kasabay ng aking pag-ungol nang sinakop ng kanyang palad ang malusog ko