*** Zach’s Pov *** Pagbalik ko ng Maynila kinaumagahan ay patung-patong na trabaho at kaliwa’t kanan na mga meetings kaagad ang sumalubong sa akin. Ngunit kahit gaano man karami ang nakasaksak sa isipan ko sa mga dapat gawin nang araw na iyon, tanging si Cian lang nangingibabaw roon. Iniisip ko kung gumising na kaya siya, kumain na, at kung nawala na ba ang p*******t ng kanyang ulo. One vacant hour, I called my cousin na si Mae. Nakadalawang ring pa lang ay sinagot na niya kaagad ang tawag ko. “Hi, cous! So kailan ang bakasyon niyo sa Batanes?” agad kong tanong sa kan’ya. “What? Wait, how did you know about that? Hindi ko maalala na sinabi ko sa iyo ‘yon, ah!” “I just heard you, okay? Sa laki ba naman ng bunganga ninyo, eh, buong lalawigan pa nga ang nakakarinig!” Narinig ko siyang