Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay hindi ako mapakali. Kakababa lang ng sinakyan naming eroplano at hinihintay namin sina Rae, Papa at Inday dahil sila raw ang magsusundo sa amin. “Mukhang naje-jebs ka, ah?” Napalingon ako kay Art nang magsalita siya, marahan namang natawa si Luigi dahil doon. “Huwag kang tumawa, Luigi, halata rin namang kinakabahan ka.” At dahil doon ay natawa na rin ako. “Ikaw kasi puro one night stand ang hanap mo, magbago ka na!” Pang-aasar ko naman sa kanya, ngumiwi siya at umiling. “Seryoso ako ‘no. Pero ewan ko ba sa inyong dalawa kung bakit sa tinagal tagal ng panahon hindi pa rin kayo nakakapag-move on. Masasarap ba ang mga boylet niyo at sobra kayong na-addict?” Sabay kaming namula ni Luigi sa naging tanong ni Art. “Art! Watch your mouth, please. Bata pa si