Hindi ko alam kung ilang beses ko nang tinawag ang lahat ng kilala kong santo at mga bituin sa langit, nagdadasal na sana ay may lakad sila at umalis na sila agad dahil hindi ako sigurado kung kaya ko na siyang harapin. Pero ang hudas na si Rae ay inaya pa niya silang kumain, ngumisi pa siya sa akin nang gawin iyon, kaya sumang-ayon si Papa. Sa huli ay wala na akong nagawa kung hindi ang tahimik na lang silang panuorin na umupo. “Hi, I’m Sugar—” “Sugar Santos, siyempre kilala ka namin. It’s nice to finally meet you.” Malawak ang ngiting saad ni Inday, marahan namang humalakhak si Sugar dahil doon. “Nakakahiya naman.” Aniya at agad na tinanggap ang kamay ni Inday. “Siya ang fiancée ni Rae. You can call her Inday.” Saad naman ni Jag, marahang tumango si Sugar dahil doon. “Wow, Rae, ang