Chapter 127

1726 Words

It’s almost lunch when we arrived. Tuwang tuwa nga sina Nanang nang makita kami, lalo na si Luigi. At halos hindi na nga nila bitawan mula sa yakap dahil halatang sobra nila siyang na-miss. “Walang nabanggit si Jag na kasama pala kayo, nakakatuwang sorpresa ito. Sobra kong na-miss ang anak namin.” Malawak ang ngiting saad ni Nanang. Hindi ko siya nakita ng matagal, pero halata sa kanya na mas nagka-edad siya dahil sa kakaunting kulubot na balat sa noo niya. Pero nakakatuwa kasi iyong bahay nila na dati ay kalahating kahoy at kalahating bato, ngayon ay purong bato na. Halata ang asenso dahil up and down na rin ang bahay. Maganda rin ang pagkakagawa nito. Nakakatuwang isipin na umangat na rin ang buhay nila. “Rita, ihanda mo na ang mga pagkain at mukhang gutom sa biyahe ang mga anak ko.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD