After almost two-long hours of drive, nothing’s changed. Salita at kwento pa rin nang kwento si Sugar tungkol sa iba’t ibang bagay, hinahayaan ko lang naman siya. Madalas ay sumasagot ako at nagsasalita rin lalo na kung alam ko ang topic na binubuksan niya. Si Jag naman ay tahimik lang, paminsan minsan ay napapansin ko ang titig niya sa akin kaya hindi ko magawang tumingin sa kanya. Why does he keep on staring at me? What was that for? Natatakot ako dahil baka magtaka o maghinala si Sugar kahit na wala naman kaming tinatago sa kanya. I mean, she already told me that she’s heard a lot about me, so I’m pretty sure that she also knew that Jag and I used to have a thing. Pagkatapos ng halos dalawang oras, pakiramdam ko ay sumasakit na ang pang-upo ko sa kakaupo. I also want to use the wash