Sumalubong sa amin ang nakangiting kasambahay. Si Liela, pino ang kilos nito at dama ko ang pagkailang nito sa aking kasama. Iminuwestra niya sa amin ang daan kung saan kami tutungo. Tahimik ang buong kabahayan. Wala ang maybahay ni kapitan, marahil ay nasa Maynila ito ngayon at sinamahan ang anak na nag-aaral.
Nagpaiwan sa kusina sina kapitan. Tatawagin daw kami kapag nakapaghanda na ng tanghalian. Anong oras na kaya? Sa bahay kapag manananghalian na, ibig sabihin alas-dose na. Magkapareho kaya ang patakaran nina kapitan, kumpara sa patakaran ng aking tiyang? Naipilig ko ang ulo at binura sa isipan ang bruhildang tiyahin! Huminto si Leila sa kulay tsokolateng pintuan. Kaya nahinto na rin ako.
"Ito ang silid para sa mga panauhin Letty," kimi siyang ngumiti at nahuli ko pa ang pamumula ng kanyang pisngi. Nagtataka akong tumingin sa kanya. Hindi kaya naaapektuhan siya sa presensiya ng aking kasama?
Mas matanda ako ng isang taon kay Leila. Magkababata rin kami. Napahiwalay lamang ako sa kanya dahilan na rin ng maagang paghahanap-buhay, habang si Leila ay naging kasambahay naman ng mga Severino.
Ngumiti ako sa kanya. Pinag-aaralan ang malaking pagbabago sa kabuoan niya. Tulad ng dati, hugis-puso pa rin ang kanyang mukha. Morena ang kulay ng balat, manipis ang katawan, at katamtamang taas. Ang nagbago sa kanya, ay ang dating maiksing buhok ngayon ay hanggang baywang na at mas nagkaroon na rin ng kurba ang maliit niyang pigura.
"Salamat Leila." Ngumiti siya pabalik. Bago magpaalam, tumingin muna ito sa aking likuran.
Marahas akong bumuntong-hininga nang mahawakan ang door knob ng pinto. Sa ilang beses kong pabalik-balik kina kapitan ay ngayon lamang ako nakapasok sa silid para sa mga panauhin. At hindi ito ordinaryong pagbisita dahil may kasama pa!
Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto. Bumungad sa akin ang malaking kama, malawak na silid, maaliwalas at tahimik na paligid. Ang kulay puting kurtina ay isinasayaw ng mabining hangin. Tanaw ko mula sa labas ng bintana ang nagtataasang mga puno pati na rin ang maalinsangang panahon.
"Where's the closet?" Baritonong boses mula sa aking likuran na halos ikatalon ko. Parang hinihipan niya ang punong tenga ko at nadama ko pa ang mainit niyang hininga sa aking batok!
Oo nga pala at may kasama ako! Ka-muntik ko ng nakalimutan ito!
"Hanapin mo na lang," mataray kong saad.
"You're my maid so," tinaasan niya ako ng kilay.
"Uy… hindi mo ako katulong. At saka ang kapal ng mukha mong ipangalandakan kay kapitan a!"
"Whatever you say, starting today you're my maid,"
"Aba't," lalapit sana ako sa kanya pero…
"What?" Nakangisi ang damuho! Maghuhubad talaga siya sa harapan ko?!
"Anong ginagawa mo?" Halos pumutok na ang mga ugat ko sa ulo sa sobrang gulat ko.
"Unbuttoning my…"
"Alam ko, pero bakit sa harapan ko? Sa banyo ka maghubad!" May itinuro akong isang pinto. Hindi sigurado kung ito ba ang banyo, pero maliban sa pintuang ito ay wala na akong makitang iba pa, bukod sa aparador na nakikita.
"This is a three piece suit, kapag hinubad ko ito ay mayroon pang matitira… but unfortunately, see?" Itinuro niya ang kasuotang natuyo na mula sa pagkakabasa ng pambabato ko sa kanya ng isda.
Dahil napatulala, hindi ko nasundan ang kanyang ginawa. Binato niya sa akin ang damit na nahubad. At tama ito dahil may kulay puting long-sleeves pang natira. Kumurap ako dahil mas lalo pang namangha sa kanya!
Kahit amoy malansa, mukhang presko pa rin siya sa puting polong suot. Ang pogi niya at sobrang tangkad pa! Mas lalong nadepina ang malaking bulto ng katawan niya ng hinubad ang kulay itim na damit, na naunang hinubad.
At para matabunan ang pagkakamangha sa kanya, kunwari ay nababahuan sa damit niyang iniitsa!
"Ang baho mo, ang lansa!" Palusot ko pa. Syempre hindi ko ipapahamak ang aking sarili.
"That costs thirty thousand." Ikiniling niya ang kanyang ulo.
"So?" Gulat naman talaga ako. Ang kaso, mas nangingibabaw ang pagkakamangha ko.
"Pero pinagbabato mo lang naman ng isda, and besides I don't like the texture, kaya siguro mura."
Mura? Mura lang iyon sa kanya? E, mas malaki pa ang halaga niyon kumpara sa isa naming kalabaw na naibenta?!
"I needed to take a shower. Find a towel for me."
"Uy, uy, uy, pumayag na ba ako na maging katulong mo?" Humalukipkip ako.
"You are my maid now, and if you say no to me, babayaran mo ang halaga ng mga damit ko, ang sapatos ko, ang sasakyan ko pati na rin ang milyones na nawala sa akin ngayong araw…"
Hindi na ako nagdududa sa kanya. Milyonaryo siya at mapera, pero hindi ko napaghandaan ang pagiging katulong ko sa kanya. Papaano si Tatang? Hanggang saan at hanggang kailan ang pagiging katulong ko?
"And you can't say no to me," pinal niyang hayag. Muli akong kinilabutan ng magkatitigan na naman!
Nag-iwas ako ng tingin dahil tila napapaso sa kanyang titig. Lumayo ako ng ilang pulgada at kunwari naghahanap ng isusuot niya. Bumukas-sara ang pintuan. Marahil pumasok na siya ng banyo. Ako naman naghahanap ng maisusuot niya. Malaki ang aparador na ito. Madaming damit ang maayos na nakatupi dito. Organisado ang pagkakasalansan ng mga damit. Mga bagong laba at amoy ko ang fabric conditioner na ginamit sa mga damit.
Puting tee-shirt ang nakuha ko at tingin ko ay babagay naman ito sa kanya. Khaki shorts na rin ang kinuha ko upang ipares niya sa puting damit na napili. Dinig ko mula sa aparador ang paglagaslas ng tubig. Sa buong buhay ko ngayon lamang ito nangyari sa akin. Hindi ko pa nararanasang magkanobyo, subalit pumayag ako na gawing alipin ng namang ito? Bumuntong-hininga ako. Kunsabagay, Hindi ko naman din maikakaila na may kasalanan din ako sa kanya. Malayo ang diwa ko ng kamuntikang masagasaan. Dapat nga, magpasalamat pa ako dahil naging alisto ito. Nailigtas niya ako at sadyang malakas ang preno ng kanyang sasakyan.
Hawak ko sa kamay ang mga damit na susuotin niya. Nakaharap na ako ngayon sa direksiyon kung saan ang banyo. Wala akong mahanap na tuwalya. Baka maghanap pa iyon at wala akong maibigay…
Nakita ko sa lapag ang hinubad niyang itim na pantalon kasama na ang brief nito! Nanlaki ang mga mata ko. Hubo't-hubad ba siyang pumasok sa loob ng banyo?!
Muli sana akong tatalikod dahil naasiwa sa nakita, subalit bumukas naman ang pintuan ng banyo! Malapad naman ang pintuan nito, pero sa lapad at laki ng katawan niya halos hindi pa siya magkasya dito…
May tuwalya siya! Ibig kong sabihin, mayroon sa loob ng banyo nito? Walang saysay ang mga sinasabi ko!
"Amm…" napadila ako sa ibabang labi. Hindi komportable sa nakikita. Naglalaro sa isipan ko ang tumutulong tubig mula sa kanyang buhok papunta sa kanyang malapad na dibdib. Mayroon itong pinong balahibo at ang kanyang napakagandang imahe ay hindi ko maitakwil sa aking isip!
"H-hindi ako nakahanap sa... sa… a-aparador. Buti at mayroon sa loob niyan," tukoy ko sa tuwalyang nakabalabal ngayon sa kanyang katawan.
"Yeah, but I don't know if it's used or unused. But it's okay, maliligo na lang ulit ako pagkadating natin sa Manila."
Natauhan ako mula sa kanyang sinabi. Teka, teka naman, isasama niya ako sa Maynila? E, hindi pa nga ako nakakapagpaalam kay Tatang…
"Sandali, hindi na nga ako umangal na maging katulong mo tapos isasama mo pa ako sa Maynila? Wala sa usapan yan."
"I'm sorry to say, but I'm your boss now so you have to come with me…"
"Masyadong unfair po," medyo mapang-asar ang aking tono. Pero imbes na patulan niya ay inabot niya ang kanyang brief at tumitig sa akin.
Ano, palalabhan niya sa akin iyan? Ayoko no!
"Anong gagawin mo diyan?" May pag-aalinpangan sa boses ko.
"Of course I'll wash it. I won't use it again it's gross…"
Nakahinga ako ng malalim. Akala ko palalabhan niya sa akin!
"This is not included in your work. Baka sabihin mo pa tamad ako masydo. And I will not let you touch my underwear…"
Ang yabang! Kahit naman i-utos niyang labhan ko ay hindi ko naman gagawin no?
Noong tumalikod siya, sa kalambutan ng tela ay bakat ang umbok ng puwetan niya na ikina-init ng aking pisngi! Mayabang na nga, walanghiya pa!
"How about you, you're not taking shower?" Pumihit ito paharap. Nakatagilid ang ulo at tila pa nanghihikayat na titigan ko! Tanaw ko ang bakat ng kanyang p*********i, hindi nga ako tumitingin doon kanina at panay pa ang iwas ko, tapos muli pang haharap, kainis talaga!
Sa hiya ko, binato ko na ng mga damit na hawak!
"Magbihis ka na nga sa loob!"
Nahuli ko ang kanyang ngisi. Nananadya ba siya at gustong-gusto akong asarin!?
At teka nga ulit, kung lalabhan niya ang kanyang brief, ibig sabihin wala siyang panloob? Wala siyang susuotin? Ibabalandra niya ang bakat ng p*********i niya sa bahay nina kapitan?!
Dama ko ang nag-iinit na pisngi habang natatananawan ang pag-igting ng kanyang mga panga. Sa kaba, ay nagmamadali akong tumakbo papuntang pintuan ng silid, at ng makalabas ako ng silid halos bumalik ulit sa loob nito ng makita ko ang bulto ni Mang Delfin sa sala, nakaupo ito roon. At nang mahuli ang aking mga mata ay tumayo ito. Sa labas ng bakuran ay nahagip ng aking paningin ang mga baldeng wala ng laman!
Sisingilin ba ako sa mga isdang pinagtatapon ko?
Nalintikan na, anong ibabayad ko?