"WALA po ba talaga kayong balak magkabati ni Mommy, Daddy?" tanong ni Nathan Haze sa ama. "Kung pumarito ka sa Madrid upang sabihin sa akin ang bagay na iyan ay mas mabuting umiwas ka na lang, anak. Malawak ang bahay kaya't sigurado akong magagawa mo ang bagay na iyan," sagot ng Ginoo. "Talagang gagawin ko ang bagay na iyan, Daddy! I'll not say sorry for my rudeness even the choices of my words. Pero sige, habang-buhay kayong magpataasan ng pride ni Mommy. Nagawa na naming magkakapatid ang aming tungkulin sa inyong dalawa. Nasa tamang edad na kayo kaya't sigurado akong alam n'yo ang tama at mali. Sa totoo lang ay nakakasawa ang ginagawa n'yong dalawa!" Kabastusan man pero bukod sa napataas ang boses ni Nathan Haze ay hindi na hinintay na makasagot ang ama sa kaniya. Sa madaling salita a

