"WELL, well... Maaring masakit hindi ko iyan ipinagkakaila. Kahit babaero ako ay tao rin namang may balun-balunang maaring masaktan. Pero sa pagkakataong ito ay hindi n'yo nakuha ang dahilan ko." Kaso sa tinuran niyang iyon, marahil ay inakala ng mga kapwa barako na tapos na siya. Kaya't pasinghal na nagwika ang kambal niya. "Heh! Ayos-ayusin mo ang iyong paliwanag dahil ilang araw ka naming hinintay. Tsk! Tsk!" anito. "Totoo naman si Inigo, 'lil brother. Ano ba ang dahilan at hinayaan mong umabot kayo sa engagement samantalang alam mo pala ang dahilan. Iyon ang nais naming marinig mula sa iyo." Segunda pa ni Nathaniel. Subalit hindi ito agad nagsalita bagkus ay muling nagpakawala ng malalim na hininga bago sumagot. "Sa katunayan ay gusto ko lang timbangin ang sarili ko. You can criti

