"SINABI ko namang mag-ingat ka, Honey. Tingnan mo tuloy ang nangyari. Ang pamilya Lopez mismo ang kamuntikang makadali sa iyo," saad ng lalaki. "Ano ba?! Pumarito ka ba upang sumbatan ako? Ikaw na nga ang binisita eh. Kung hindi ko pa ginawa iyon ay baka hanggang ngayon ay hindi pa tayo nagkita. Pero sandali nga, hindi ba't dapat magsaya ka dahil malapit na tayong magtagumpay? Sa nakikita ko ngayon sa iyo ay mukhang taliwas na ang paniniwala mo ah." Hindi na naitago ng dalaga ang pagkayamot sa binata. Ito lang naman ang dahilan kung bakit nagawa niyang lokohin ang fiancee niyang si Dylan Matteo. Engaged na nga silang dalawa ngunit dahil mas malakas ang hatak at appeal nito, idagdag pa ang mas madalas niya itong nakikita. Nahulog ng tuluyan ang damdamin niya sa kaharap. Ngunit sa sandali

