"WHAT you want us to do, Daddy?" agad na tanong ni Nathan Haze pagdating pa lamang nila ng mga Kuyasa study room ng ama. "Mali, lil' brother. Ikaw ang mayroong gagawin hindi kami ni kambal." Agad namang pagsalungat ni Hilary. Tuloy ay napalingon dito ang mainitin ang ulo. Kaso bago pa sumabog ang Mt Everest niya ay ang ama niya ang pumagitna. "Alam ko ang nasa isipan mo, anak. Ngunit totoo ang sinabi ng Kuya Hilary mo. May assignment ka mula sa akin," anito. "Wait lang, Daddy. Tungkol saan ba itong meeting de-avanse nating mag-aama?" nagugulumihan niyang tanong. Subalit imbes na sagutin siya nito ay mayroong iniabot na sealed envelope. "Read it, son. The safety of your mother relies on your hand now," sagot nito nang inabot niya ang sealed envelope. Nagugulumihan man siya ay dali-da

