"KAILAN n'yo ako balak tigilan? Hindi pa na sapat ang paghihirap ko sa kalsada ng ilang taon? Tama, wala ako sa kinalalagyan ko ngayon kung hindi ako ipinambayad ni Papa dahil sa pagkatalo sa sugal. Ngunit kasalanan ko ba kung nagbunga ang lahat na naging daan at pinagbuklod kami ng Diyos?" Mayroon na siyang hinala dati pa. Subalit hindi pa rin siya makapaniwalang hanggang sa kasalukuyan ay pinahihirapan siya ng sariling pamilya. Kamuntikan pa ngang mawala ang nasa sinapupunan niya dahil sa katiwalian nito. Isinakripisyo pa nga ang buhay ng nurse na umakit sa kaniyang asawa. "Hanggat hindi ka namamatay ay hindi kita titigilan hayop ka! Dahil sa iyo ay pumanaw ang Mama at Papa ko! Kung ano man ang nakaraan mo sa Switzerland ay wala akong pakialam lalong-lalo na sa ama mong sugarol!" siga

