SUBALIT natunaw ang lahat ng galit ni Hitler nang lumabas siya at inalam kung bakit may mga dumating na police patrol sa kanilang mansion. "As their chief, Mr Lopez, I'll take the responsibility of disturbing you by coming here unannounced," pahayag at paghingi ng paumanhin ng chief of police. "It's alright, Chief. But kindly explain to us whats the meaning of this? Walang problema sa iyong pagdating ng biglaan dito sa bahay. Pero ang nais kong alamin ay kung bakit may mga kasama kang bata. If I'm not mistaken, they are twins at the age of eight or nine," aniyang muli. Kausap niya ang hepe ng police pero ang mga mata ay nakatutok sa pinagbiyak na bunga este sa identical twins na nasa harapan. Ayaw niyang umasa pero malakas ang kutob niya. "Ah, sila ang dahilan kung bakit kami pumarito,

