"T-TOTOO ba iyan mga anak? I mean about your dad's decision." Ang unang nanulas sa labi ni Nathalie ng nakahuma mula sa ibinalita ng mga anak. "Opo, Mommy. Kaya't sabihan mo na si Linda upang ihanda ang mga gamit ninyo. Kailangan nating makabalik sa mansion ngayon din." Pagsang-ayon ni Nathaniel. "Pero... Nakita n'yo naman siguro kung paano nagalit sa akin ang Daddy ninyo, anak. Maaring galit ako noong hinamon ko siya ng hiwalayan pero pinagsisihan ko naman iyon. Kaso tinanggap niya agad-agad kaya nga ako nagdadalawang-isip ngayon," napahingang malalim niyang saad. Kaso dahil nasa kaniya ang kambal na babae ay hindi niya napansin ang palihim na pagtunguan ng mga anak. Kaya nga napatingin siya kay Hilary nang nagsalita ito. "Mommy, sa palagay ko ay kailangan mong magpakumbaba ngayon. W

