KABANATA 51: I woke up with a heavy feeling. Masakit din pati ang puso ko. Nanaginip ako. Pakiramdam ko nga ay totoo. Iniwan daw ako ni Madam V sa disyerto. Ang tagal ko daw na naglakad. Pagod na pagod ako at uhaw na uhaw. Parang sa pelikula nga, e. Iyong tipong nakita ko din ‘yung liwanag tas sinundan ko lang tapos pagdilat ng mata ko puting kisame at ilaw ang bumungad sakin. Kaso napapikit din ako agad dahil nakakasilaw! Umungol ako. Gusto ko ng tubig. Sinubukan ko uling idilat ang aking mata. Sa pagkakataong ito ay dahan-dahan at tinatanya ko kung kaya na ng mata ko ang liwanag. Hanggang sa naimulat ko na sa wakas! Napababa ng kaunti ang aking paningin at nakita ang krus na nakadisplay sa dingding. Kumunot ang noo ko. Bigla ang pagbuhos ng mga ala