KABANATA 52: MASAYA ang Tatay ng malamang nagkamalay na ko. Nagmamadali siyang bumisita sa akin sa Hospital. Aniya, kung kailan daw na umuwi siya ng penthouse siya daw ako nagising. Samantalang palagi siyang nasa tabi ko hindi man lang daw ako nagkamalay. Iyon pa talagang wala siya kaya hindi niya nasaksihan ang pag-mulat ko ng mata. Ganunpaman ay malaki ang pasasalamat niya na nagkamalay ako. Sa tuwa nga ay nagbabalak pa siya na sa umuwi pagkatapos ay magluluto ng mga gusto kong pagkain. Natatawa na lang ako. Masarap sa pakiramdam na nakikita ko ang malasakit sa sarili kong ama. Bumisita din kinahapunan si Lucas pero agad ding umalis dahil kailangan sa trabaho. Dahil matagal pala akong nakahiga sa kama ay nagpasya na akong tumayo at maglakad-lakad. Sinamahan ako ni Jacob. Gusto ko ng