KABANATA 53: DUMATING ang oras ng hapunan. Iniwan muna ni Jacob pansamantala ang kanyang trabaho para kumain. Pasulyap-sulyap ako sa kanya habang sumusubo ng pagkain. “What do you want to say? Kanina ka pa patingin-tingin sakin?” he asked. Binaba niya ang hawak na kutsara at tinidor pagkatapos ay hinatak niya ang upuan palapit sakin. Lumunok muna ako bago bumaling sa kanya. Dinantay nito ang kaliwang braso sa aking balikat at mataman akong tinignan. “Hindi ka ba magre-report sa Agency? Okay naman na ko, ah. Sabi ni Doc pwede na kong lumabas sa susunod na araw. Simula ng na-hospital ako andito ka na. Ngayong may malay ako dito ka padin nagta-trabaho. Andyan naman si Tatay. Siya magbabantay sakin,” suhestiyon ko. Natigilan ito ng bahagya hindi nakat