KABANATA 59: IT was awkward for his mother to talk to me while his son is sitting here beside me. Panay ang inom nito ng tubig habang pasulyap-sulyap saming dalawa. Hindi makapagsimulang magsalita dahil si Jacob ay nakahalukipkip at nakatingin ng diretso sa ina. I sighed. Binulungan ko siya. “You can wait for me outside. Bakit ka ba kasi umupo pa rito?” “I won’t leave you here,” seryoso niyang sabi. “Uh—okay... So, hija—” Pinutol ko ang sinabi niya. “Uh—aalis muna po si Jacob. Aantayin na lang ako sa labas diba, mahal?” I said sweetly. Salubong ang kilay niya ng bumaling sakin. Pinandilatan ko siya ng mata habang pilit na nakangiti. Pinapailalim ko ang mata tanda na umalis na muna siya.