KABANATA 34: MULI akong natulog matapos ang mainit naming pagtatalik. Tuluyan na ngang umalis si Jacob para sa mission ng kanilang team. Tanghali na ako nagising kinabukasan at halos mapuno ng mga paper bags ang kwarto ni Jacob. Saglit kong nakalimutan ang lungkot dahil excited akong tignan lahat ang laman ng mga paper bags. Isa-isa kong sinukat iyon at lahat ay kasya sa akin. Napahanga ako sa ganda ng mga pinadala saking mga damit pati underwears ay kumpleto din! Ipapaalala ko nga kay Jacob na atleast bigyan ng credit ang inutusan niya dahil super satisfied ako sa mga pinamili niya para sakin. May pinadala din sa king mga bagong libro! Inabot ako ng ala-una sa kaka-sukat at kaka-rampa. Isa-isa ko ding niligpit iyon at nilagay sa bakant