KABANATA 35: TAHIMIK kong pinagmamasdan ang skyscraper. Ang isang kamay ko ay may hawak na kopita na may wine at ang isa naman ay nakayakap sa aking braso. Ilang minuto na lang ay tuluyan ng lalagpas ang haring araw sa mga matatayog na gusali. Hindi ko man nasilayan ang sunrise ay kuntento at masaya na akong haharapin ang panibagong umaga ng kasama si Jacob. I never thought that I will value more this simple thing in life. Sumimsim ako ng wine. Pagdating kanina ay hindi na kami nagaksaya ng oras ni Jacob at nakailang ulit na naman kami sa pagtatalik. Matapos nga ‘non ay hindi ako masyadong makatulog kaya dumiretso na ko sa kusina para maghanda ng almusal at naisipan ng magmuni-muni pagkatapos. Iniwan ko siya sa kwarto na tulog na tulo