KABANATA 46: PINAGMASDAN ko ang abandonadong bahay. Mayroong isang sasakyan doon na tingin ko ay sa tauhan ni Madam V. Pagbaba pa lang ng tauhan na kasama ko ay binuksan na rin ng kabilang sasakyan ang pinto at iniluwa doon ang matangkad at tisay na dalaga. Sinenyasan akong bumaba na din kaya sinunuod ko iyon. Tinanaw ko ang kapatid ni Jacob na wala man lang bakas ng hagupit ni Madam. Walang ekspresyon at diretso lang ang tingin. Sabay kaming inescortan hanggang sa makarating sa gitna. Alam ko na may ilang tauhan si Madam at ganon din ang Agency na nakamasid sa amin. Handa sa anumang mangyari kung sakaling may hindi tutupad sa usapan. Nagkatinginan kami ni Alessandra. Pilit kong siyang binabasa ngunit bigo ako dahil nanatiling blanko ang kanyan