KABANATA 47: TULAD ako ng isang takot na kuting na nagpupumilit na sumiksik sa gilid. Napalunok ako habang ang aking mukha ay puno ng pagmamaka-awa. Mas lalo akong kinabahan ng tuluyan na siyang pumasok sa aking selda. Namilog ang mata ko ng inabot ng nakangising si Leo ang whip stick! Sunod-sunod ang aking pag-iling at panay na ang pagmamakaawa. “M-madam... h-huwag po. P-please po...” Punong-puno ng luha ang aking mga mata at lumuhod na sa kanya dahil sa takot. Ngumisi lang ito na tila demonyo. Mahigpit ang hawak sa whip stick at lumakad pang palapit. Huminto siya sa tapat ko at yumuko. Napaigik ako sa sakit ng mariin niyang hinawakan ang magkabilang panga ko. “Gustong gusto ko iyang nakikita kong takot sa mga