I BOWED MY HEAD DOWN AND CRIED SILENTLY. I feel like the trenchant of pain is cutting something inside my chest. Naramdaman ko ang paglapit ni Adrian sa akin at ang pagyakap niya ng mahigpit. Gusto ko mang pigilan ang mga luha na walang patid sa pagtulo ay hindi ko magawa. Nanginginig ang mga labi ko, ang mga kamay ko, at pakiramdam ko ay maging ang buong pagkatao ko dahil sa sakit na ito. “Shush, baby… please…” bakas sa boses ni Adrian na nahihirapan din siya sa nangyayari. Hindi ko maintindihan. Wala akong maintindihan. Sobra-sobra akong nasasaktan sa lahat ng rebelasyon at hindi ko alam kung matatapos pa ba ang sakit na ito, kung oo, kailan? Napakaraming katanungan ang hindi ko kayang sagutin sa ngayon. Marahan kong itinulak papalayo sa akin si Adrian at lumuhod sa puntod ni Andie