Napasalampak ang babae sa sahig ng itulak ni Denver. Mahahalata dito ang bahagyang panginginig. "Bakit mo pinakialaman ang cellphone ko?! " maawtoridad na tanong ni Denver dito. Umusod ang babae sa sulok ng silid at yinapos ang tuhod, ngunit hindi sumagot. "Sagutin mo ang tanong ko? Bakit mo nakuhang pakialaman ang cellphone ko?!" dumagundong ang galit na boses ni Denver. Tumingin ang babae sa kanya at mahinang nagsalita. "Hindi ko alam ang sinasabi mo," sabi nito. Ngunit hindi kapani-paniwala ang sinasabi nito. Mahahalata kasi sa boses nito na nagsisinungaling. Bigla niya itong sinugod at mahigpit na hinawakan sa braso. "Magsabi kana ng totoo kung hindi sasamain ka talaga sakin! Alam mo ba kung gaano katagal kong pinanabikang makausap ang mahal kong si Maxine. Mahigit isang li

