Samantala sa probensya. Nasisibot ang Lola ni Maxine dahil sa napakataas ng lagnat ng apo. Binanyusan na niya ito ng suka at pinainom ng gamot pero hindi pa rin bumababa ang lagnat nito. Naalimpungatan siya dahil narinig niya ang malakas na pag iyak ng apo. Mataas na pala ang lagnat nito. Tapos wala pang ampat ang pag iyak kaya mas naging malala ang nararamdaman nito. Pasalamat nalang siya at nakatulog ulit ang may sakit na apo. Hindi niya maintindihan ang nangyayari dito. Dati rati palagi itong masigla at buhay na buhay. Palagi maliksi kung kumilos pero nitong mga nakaraang linggo halos hindi na ito makausap ng maayos,palagi ding walang sigla kung gumalaw. Nawala na rin ang matatamis nitong mga ngiti kapag kinakausap nila. Naging malungkot na rin palagi ang mga mata nito na datirati'y

