SIERRA NAKATINGIN ako sa kawalan habang hinahayaan ang ingay sa loob ng aming silida-aralan na unti-unting maglaho. Ibinaling ko ang aking atensyon sa aking mga gamit nang makita ko sa gilid ng aking mga mata ang pag-alis ng kahuli-hulihan kong kaklase. Nagsimula na ako sa pagliligpit ng aking mga gamit. Habang ginagawa ko iyon ay nahulog ang aking notebook at nabuklat. Pupulutin ko na sana ito nang matigilan ako nang makita ko ang isinulat kong salita sa calligraphy—Avellor. Huminga ako nang malalim bago ito pinulot at isinilid sa bag. Bumuntong-hininga ako at ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko na dapat pagtuunan ng pansin ang bagay na iyon. Dahil alam kong hindi iyon totoong nangyari. Anim na buwan na nang matagpuan nila ako sa bangin suot ang unipormeng may mantsa ng dugo n
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books