SNEAK PEEK | Charlene and Matteo This is the upcoming story for Charlene and Matteo. I haven’t decided the title yet kaya abangan niyo na lang sa group/page ko for the announcement. CHARLENE’S POV Dalawang taon na ang lumipas matapos ikasal si Cassy pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ginagalaw ni Matteo ang baso. Wala na nga akong balita sa kaniya dahil kaagad na lumipad siya ng US matapos ang kasal. Ni hindi man lang nagkwento sa akin si Dylan dahil surprise daw ni Matteo ‘yon. Sus! Maniwala. Ang sabihin mo, paasa siya! Naalala ko no’ng binigyan niya pa ako ng pulang rosas at sinabing, “Wait for me. Babalikan kita.” Tapos anong nangyari? Mag-t-tryenta anyos na ako at hanggang ngayon wala pa akong jowa, hanggang ngayon wala pa siya! Malungkot