SPECIAL CHAPTER CASSY’S POV TWO YEARS LATER. Dagli akong dinala ni Charlene sa hospital dahil manganganak na ako. Oo, buntis ako a few months after our honeymoon. Ang bilis ng pangyayari at mabuti na nga ang ganito bago pa ako abutan ng trenta anyos para magkaro’n ng baby. Naalala ko bigla no’ng dumating kami ni Dylan sa Paris, at dahil diretso ang lakad namin ay wala kaming ginawa kundi matulog at lasapin ang lambot ng kama. Tawang-tawa nga kami dahil hindi na namin nagawang mag-honeymoon kaagad kaya in-adjust na lang namin. Habol hiniga ang nangyari nang pinasok na ako sa delivery room. “Ang sakit na! Gusto ko nang ilabas ang bata!” sigaw ko sa mga nurse sa loob. “Sandali lang po, Ma’am Cassy. Wala pa po ang doktor