CHAPTER 34 3RD PERSON POV KINUHA ni Dylan ang script na binigay ng staff sa kaniya dahil may bago siyang advertisement na gagawin kasama si Cassy. “Salamat!” ngiting wika niya sa babaeng staff pagkuwan ay tumalikod siya at natigilan nang makita niya si Matteo na naglalakad di kalayuan sa hallway. Ilang sandali pa’y nagtama ang mga mata nila at walang imik na nilapitan ni Matteo si Dylan. “Iba na pala ngayon ang inaatupag mo, Dylan,” ngiting wika ni Matteo na may halong pang-aasar. Nanliit ang mata ni Dylan nang marinig niya iyon. “Ano naman kinalaman ng mga ginagawa ko ngayon sa’yo?” sarkastikong tanong niya dito kaya napabuga ng hangin si Matteo kasabay ng marahang pagtawa. “Nagulat lang ako na malaman na pinagpalit mo ang kompanya ni dad dahil lang dito?” Lihim na kinuyom ni Dy