CHAPTER 33 CASSY’S POV NAPALUNOK ako ng laway dahil kanina pa siya nakatitig sa dalawa kong mga mata nang sabihin niya iyon. “W-what?” gulat kong tanong sa kaniya ngunit narinig ko ang marahan niyang pagtawa. “Hindi ka naniniwala sa akin na maganda ka?” aniya na halatang may halong pang-aasar kaya napakunot ako ng noo. “Matagal ko nang alam na maganda ako, Dylan. Artista ako at kailangan maging presentable sa harap ng mga tao. I really don’t understand you,” galit tono kong wika sa kaniya pagkuwa’y narinig ko na naman ang mapang-asar niyang tawa. “Eh kasi naman, malapit nang lumubog ang araw nagsusuot ka pa ng make up. Pero okay na rin kaysa naman hindi ka magmukhang tao, ‘di ba?” natatawang sabi niya sa akin kaya napabuga ako ako ng hangin kasabay ng paglaki ng mga mata ko dahil pin