Thynn smirked, mabilis na nitong nilapit ang mukha sa kaniya at parang na-excite pa. “Let me guess, you’re about to admit you still love me?” “May relasyon kami ni Thaddeus. Matagal na. Hindi lang namin sinasabi sa inyo. Pero since baliw ka na rin naman sa akin ngayon, then sasabihin ko na lang sa 'yo para alam mo at aware ka just in case na bumalik na siya ng bansa.” Nawala bigla ang ngiti ni Thrynn at hindi ito agad nakasagot. Ngumising aso naman siya. “Ano? Nagulat ba kita, husband?” Sumeryoso na lang ang mukha ni Thrynn at kahit may suot na sunglasses ay ramdam na niya ang talas ng tingin nito, bahagya rin umigting ang panga na para bang nanggigil saglit. Pero hindi nagtagal at muli rin naglaho ang pagiging seryoso nito. “Napansin ko nga,” pagtango-tango na nito at muli nang b

