“Hindi mo nga naiintindihan, Thrynn!” malakas niyang sigaw na kinalingon na ng mga ibang turista sa paligid. Pero wala na siyang pakialam pa. Basta naiinis siya at kailangan niyang ilabas para kumalma. “Hindi ko magagampanan ang pagiging asawa ko sa 'yo dahil mas gusto ko ng buhay single!” Parang nasurpresa naman si Thrynn sa narinig. “So that’s what you’re worried about? That’s why you’re mad?” “Oo! Ayokong umasa ka!” she shouted again. Tuluyan nang sumilay ang ngiti ni Thrynn at inabit na nito ng isang kamay ang pisngi niya, pinunasan ang dumaloy na luha. “Oh di magbuhay single ka. Hindi naman kita pagbabawalan,” he said softly. “Tangina naman—ang labo mong kausap!” Mas lalo siyang naasar at tumayo na lang. “Diyan ka na nga lang!” Mabilis na siyang naglakad papunta sa may dagat. Lum

