SUMAPIT ang alas nuebe ng gabi pero hindi pa rin nakakauwi si Felix, dahil dumating nang biglaan si Thrynn kasama si Theron at nagyayang uminom ang mga ito. Wala na sina Zayden at Draven dahil bumalik an ito ng Bogotá, gawa ng kailangan na rin dahil panay tawag na ng kanilang boss at kailangan na sila. Pero si Theron ay ayaw pa rin bumalik, lalo na si Thrynn na para nang mababaliw sa kakahanap kay Roxy araw-araw. Ginawa na ng mga ito ang lahat, pero wala pa rin. Hindi pa rin nila mahanap-hanap si Roxy. Paano nila mahahanap kung hindi naman ito lumalabas ng mansyon, at kung lalabas man ay nakasuot naman ng face mask at cap para hindi makita ang mukha. “Napakababoy talaga ng Thaddeus na ’yon. Napakahayop ng walanghiyang ’yon,” gigil na wika ni Theron habang kasalukuyan na silang umiinom s

