Four Months Later Tuluyan nang bumalik si Theron sa Bogotá. Pero si Thrynn ay mas pinili pa rin magpaiwan para ipagpatuloy ang paghahanap at pagmamatyag kay Felix. Halata na rin ang umbok ng tiyan ni Roxy. Limang buwan na rin siyang buntis. Tuwing naliligo siya sa loob ng bathroom ay hindi niya mapigilan ang mapatitig sa kaniyang repleksyon sa salamin at mapahaplos sa kaniyang tiyan. Unti-unti na rin niyang natanggap ang pagbubuntis niya, lalo na't maganda naman ang trato sa kaniya ni Felix. She felt loved, truly loved, every single time he was near. Kahit lagi itong wala sa mansyon ay hindi naman siya nito napapabayaan dahil hindi kasama naman niya ang dalawang katulong. Tuwing check-up naman niya sa OB-GYN ay sinasamahan siya ni Felix. Katulad na lang ngayon, she had another check-u

