Sandali siyang nakalimot dahil sa halik at parang nagsimula nang mag-init ang kaniyang katawan na parang hindi na niya kaya pang kontrolin, dahil parang ayaw nang gumana pa ng kaniyang isipan. Hanggang sa binuhat na siya ni Theron sa baywang habang patuloy pa rin siyang hinalikan nang malalim, at dinala na siya nito papunta sa kabilang VIP room kung saan mayroon king-size bed. Pagkapasok sa loob ay nagulat na lang siya nang malakas siya nitong inihagis papunta sa kama. Mabuti na lang ay malambot kundi ay baka nabalian na siya sa lakas ng paghagis sa kaniya, parang sandaling umikot ang paningin niya dahil sa lakas ng impact at muntik pang mahulog ang suot na maskara kundi lang niya ito mabilis na nahawakan. Bumalik na ang isip niya sa katinuan dahil sa paghagis sa kaniya. Nang mapalingo

