KINABUKASAN ay naghanap nga siya ng mapapasukan na ibang trabaho, at nakahanap nga siya ng pang-gabi, sa isang fast-food chain. Kaya lang maliit lang ang sahod. Three hundred tapos buong magdamag na trabaho—from 7 p.m. to 6 a.m. Hindi niya kaya ang gano'n, baka magkasakit pa siya, mabuti sana kung wala siyang klase kinabukasan. Kaya naman nakiusap na lang siya sa manager na kung puwede bang hanggang 6 hours lang, dahil ng estudyante siya sa araw. And to her surprise, pumayag naman ang manager, kaya lang magiging 180 na lang daw ang sahod niya. Parang pinanghinaan naman siya, pero dahil no choice ay tinanggap na lang niya. Kaysa naman bumalik pa siya sa club na ’yon at makipag-deal kay Theron. Naging maayos naman siya sa bagong trabaho, at hindi naman masyadong pagod dahil sakto lang ang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


