KINABUKASAN ng gabi nang pumasok siya ng club ay nakasuot na siya agad ng maskara sa takot na makilala siya ni Theron. Pero sa muli niyang pagkanta sa entablado ay hindi niya pa rin mapigilan ang makaramdam ng nerbiyos, dahil pinanood pa rin siya ni Theron mula sa upper lounge, at napakaseryoso pa rin kung makatitig ito sa kaniya. Hindi niya alam kung galit pa rin ba sa kaniya o ano. Kaya mas lalong nadagdagan ang kaba niya na baka nakilala na pala siya nang hindi niya alam. Tatlong gabi ang lumipas, wala naman nangyaring kakaiba. Hindi na siya pinatawag pa ulit ni Theron, iyon nga lang ay pinapanood siya tuwing kumakanta, at palihim na siyang binabantayan habang nagse-serve ng alak sa mga customer. Kaya kahit tanggalin saglit ang suot niyang maskara ay hindi na niya ginagawa pa, maliban

