Pagdating niya sa nakasaradong pinto ng VIP room 106 ay agad siyang huminto at inayos pa ang suot niyang maskara, sinigurado na hindi basta-basta matatanggal sa kaniyang mukha. Huminga muna siya ng malalim bago lakas loob nang kumatok. Hindi naman nagtagal ay bumukas na ang pinto at bumungad na ang lalaking nakasuot ng black suit na isa sa mga bodyguard ng Kuya Theron niya. Nang makita siya nito at makilala na babaeng nakasagutan ng boss nito ay sumama pa ang tingin nito sa kaniya bago niluwagan na ang pagbukas ng pinto. Kabado naman siyang humakbang papasok. Sa pagpasok niya sa loob ng malawak na room ay agad niyang nakita ang Kuya Theron niya na nakaupo sa mahabang black leather couch, leaning back comfortably, a glass of liquor in his hand. He wore a black long-sleeved polo shirt, s

