HINDI siya pinatulog pag-uwi niya sa kaniyang apartment. Tawag nang tawag naman ang babaeng manager sa kaniya. Nung una ay ayaw pa niya itong sagutin dahil alam na niya ang sasabihin. Pero hindi siya nito tinantanan at galit na galit ang mga text message na pinadala sa kaniya—na hindi na raw ibibigay pa ang sahod niya at tatanggalin na siya sa trabaho kapag hindi niya sinagot ang mga tawag nito at makipag-usap. Kaya naman kahit ayaw niya ay napilitan na lang siyang sagutin—pero kinaumagahan na. “Xiane! Bakit gano'n ka kabastos sa VIP!” galit na galit na sigaw nito agad sa kaniya pagkasagot pa lang niya sa tawag nito. “Ang lakas ng loob mong magsalita ng gano'n! Alam mo ba kung sino ang lalaking ’yon, ha?! Anong pumasok sa kukuti mo para sagut-sagutin siya ng gano'n?!” Napairap na lang si

