KINABUKASAN ay muntik na siyang ma-late sa school nang tanghaliin na ng gising. Mabuti na lang pagdating niya ng school ay saktong kakasimula pa lang ng klase. From 08:00 A.M. to 05:00 P.M. ang kaniyang klase. At para makabawi sa antok ay natutulog siya sa library tuwing break time, kasama ang classmate at kaibigan niyang si Nami. Pag-uwi niya muli sa kaniyang apartment ay naglaba naman siya, dahil tambak na rin ang kaniyang mga labahin; mabuti na lang ay may sarili naman siyang washing, kaya kahit papaano ay napapadali ang paglabas niya. Nang matapos ay muli siyang natulog saglit. Pasado alas otso ulit nang magising siya sa tulong ng kaniyang alarm clock. Agad siyang naligo at nagbihis, sumakay ng taxi at nagpahatid muli sa kaniyang pinagtatrabahuhan na nightclub. “Xiane, pakidala ng

